Andito ako ngayon sa HARAP NG COMPUTER. Kasama ang mga bagong kakilala sa NET na tinuring ko na ding kaibigan.Madalas nag-iisip ako kung ano nga ba ang nakita ko sa kanila at lagi ko silang napapagbigyan na kausapin.Marahil nakita ko sa kanila ang aking sarili. Puwede ring sa kanila ko nakita ang kakaibang samahan. Pero kung ano pa man ang dahilan. Ayaw ko ng abalahin ang sarili ko sa pag-iisip. Ang importante…MASAYA AKO ngayon! Ang importante may mga bago akong kaibigan.Masaya ako hindi para sa kanila kundi para sa sarili ko!
No comments:
Post a Comment